in short…
Uncategorized September 12th, 2009Madamdamin ang pagpikit ng liwanag,
Mabilis na yumakap ang dilim.
Dahan-dahang lumamig ang hinga ng kanina’y maligamgam na hangin,
Binalot ng maingay na pag-iyak ang paligid.
Umagos ang luhang kay tagal nang pinigil;
Nilunod ng milyong patak ng hinagpis ang lupa.
Buo ang galit sa sigaw ng langit,
Di tiyak kung kailan titigil ang pagluha.
—in short, May Bagyo! Oha! oha!
2 Responses to “in short…”
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.

September 13th, 2009 at 4:33 pm
and what made you write this one huh allan?
dahil ba sa sunud-sunod na bagyo?
o dahil merong bumaBLOGabag say0?? =P
September 18th, 2009 at 9:21 pm
Aba… talaga namang nakakaBLOGabag ang reynang bagyo. Hindi katulad ng noong panahon, ang bagyo ngayon ay pinagsulit ng panahon.