Sep 12
in short…
Uncategorized 2 Comments »Madamdamin ang pagpikit ng liwanag,
Mabilis na yumakap ang dilim.
Dahan-dahang lumamig ang hinga ng kanina’y maligamgam na hangin,
Binalot ng maingay na pag-iyak ang paligid.
Umagos ang luhang kay tagal nang pinigil;
Nilunod ng milyong patak ng hinagpis ang lupa.
Buo ang galit sa sigaw ng langit,
Di tiyak kung kailan titigil ang pagluha.
—in short, May Bagyo! Oha! oha!
