Garagefloordetail

-Malalim na bughaw.

Matigas. Malalim. Madilim. Susuungin ang nais marating matinik man ang tatahakin. Mapusok. Nakakagulat. Pabigla-bigla. Nagbabakasali na makuha ng mabilisan ang naisin kahit puwede naman dahan-dahanin. Maangas. Nagniningas. Mainit. Batid na may ibubuga, may itinatanging yaman ngunit minsan duwag kahit ang apoy sa kanya na nanggagaling. Madilim na langit. Di makasilip ang liwanag sa siwang ng bughaw na langit.

-Murang Bughaw

Malambot. Maingat. Maamo. Nakikipaglaban man subalit uurong din kung kinakailangan. Pusong mamon, pusong sinlambot ng marsh mallow, singsarap ng icebuko may munggo pa sa dulo. Matamis. Matulis. Mahinahon. Mapanghamon man, sa huli ay mapagkumbabang luluhod sa rosas ng pagirog. Mabango. Mahalimuyak. Maaliwalas. Abot tanaw ang araw na unti-unti dumudungaw sa bughaw na alapaap…

Nakita ko na ang dalawang kulay ng anino ko, bughaw. Malalim at murang bughaw.