Dalawang kulay ng aNiNo

Uncategorized 2 Comments »

Garagefloordetail

-Malalim na bughaw.

Matigas. Malalim. Madilim. Susuungin ang nais marating matinik man ang tatahakin. Mapusok. Nakakagulat. Pabigla-bigla. Nagbabakasali na makuha ng mabilisan ang naisin kahit puwede naman dahan-dahanin. Maangas. Nagniningas. Mainit. Batid na may ibubuga, may itinatanging yaman ngunit minsan duwag kahit ang apoy sa kanya na nanggagaling. Madilim na langit. Di makasilip ang liwanag sa siwang ng bughaw na langit.

-Murang Bughaw

Malambot. Maingat. Maamo. Nakikipaglaban man subalit uurong din kung kinakailangan. Pusong mamon, pusong sinlambot ng marsh mallow, singsarap ng icebuko may munggo pa sa dulo. Matamis. Matulis. Mahinahon. Mapanghamon man, sa huli ay mapagkumbabang luluhod sa rosas ng pagirog. Mabango. Mahalimuyak. Maaliwalas. Abot tanaw ang araw na unti-unti dumudungaw sa bughaw na alapaap…

Nakita ko na ang dalawang kulay ng anino ko, bughaw. Malalim at murang bughaw.

MusikAntok

Uncategorized 1 Comment »
Music_3
Ang buhay kung minsan parang musika.
-Walang lyrics.
Alam mo yung tono pero hindi mo makanta kasi hindi mo alam yung lyrics. Kulang.
-Minus one.
Walang boses. Walang kumakanta. Alam mo yung lyrics pero hindi mo alam yung tono kaya hindi mo masabayan. Kulang na naman.
-Instrumental.
Nilikha para lang talaga dun. Wala eh, ganun na yun. Kulang ba o ganun nga talaga? Haaay! Kaya ang musika ko ngayon...Masaya pero nakakaantok. 

Theme & Icons by N.Design Studio.
Entries RSS Comments RSS Log in