4006788877 Patis, suka, bagoong, Toyo, masarap sawsawan ng anu mang putahe.
Patis… Merun niyan sa Navotas. Madami, nakabili ako niyan nung college pa ko, sandamakmak na bote na long neck. Murang-mura lang!Nakalahati mo na yung bote, di mo parin malasahan yung alat.
Suka… masarap isabaw sa cornik! Paborito ng mga bata. Sawsawan ng kropek… Sige hangang mamutla ang labi… after one week, anemic ka na!
Bagoong… Masarap sa manggang hilaw, piko, indian mango, apple mango, manggang kalabaw… sarap! Pano ulit ginagawa yung bagoong?
Toyo… Yan ang meroon ako ngayon! Tinotoyo ako! May toyo ako! Toyo! Maraming TOYO! Ayoko na! Matapos sumawsaw, iiwanan ka! Ginawa kang sawsawan sa mahabang panahon tapos pag napanis ka, ipagpapalit ka sa ibang sawsawan! Ano yun? Di makontento sa ulam, kung alam ko lang na ganito, sana binigyan ko na lang ng lason! Ayoko na! May TOYO si Anino!