May TOYO si aNiNo

Uncategorized No Comments »
4006788877 Patis, suka, bagoong, Toyo, masarap sawsawan ng anu mang putahe.
Patis… Merun niyan sa Navotas. Madami, nakabili ako niyan nung college pa ko, sandamakmak na bote na long neck. Murang-mura lang!Nakalahati mo na yung bote, di mo parin malasahan yung alat.
Suka… masarap isabaw sa cornik! Paborito ng mga bata. Sawsawan ng kropek… Sige hangang mamutla ang labi… after one week, anemic ka na!
Bagoong… Masarap sa manggang hilaw, piko, indian mango, apple mango, manggang kalabaw… sarap! Pano ulit ginagawa yung bagoong?
Toyo… Yan ang meroon ako ngayon! Tinotoyo ako! May toyo ako! Toyo! Maraming TOYO! Ayoko na! Matapos sumawsaw, iiwanan ka! Ginawa kang sawsawan sa mahabang panahon tapos pag napanis ka, ipagpapalit ka sa ibang sawsawan! Ano yun? Di makontento sa ulam, kung alam ko lang na ganito, sana binigyan ko na lang ng lason! Ayoko na! May TOYO si Anino!

There’s a new beginning

Uncategorized 1 Comment »

Mninthemirror

Look at me
I am staring at you
Your tears are falling
Wipe it out, stop crying
Life sucks but keep believing

Do you still hear your voice?
What does it say?
Do you still see yourself?
What can you say?

Man in the mirror
You should know what to do
Its time to close the door
Move on, start a brandnew
It must not end this way
You’re brave and strong
You can make it
Open your eyes, you’ll see
There’s a ne beginning…

Dalawang kulay ng aNiNo

Uncategorized No Comments »

Shadow Nagsimulang tikom sa mundong makulimlim tuwing umuulan. Sinala ang kakayahan sa mapang-akit na sining at kultura. Piniga ng buong lakas ang timbre sa himig ng musika at inindayog ang katawan sa kumpas ng tugtugan. Natutunang aliwin ang sarili sa palakpakan ng isang milyong katanungan.  Iginuhit ang kapalaran sa blakong papel sa pamamagitan ng iba’t-ibang kulay ng pintura. Winasiwas sa madla ang tunay na anyo ng isang noon ay inosente at ngayo’y matipuno at matatag na sanga ng punong narra.  Sinamsam ang halimuyak ng mapupulang rosas ng pag-irog. Pinag-iwi at inalagan sa mahabang panahon na biglang nawala sa mahinang ihip ng mapanlinlang na hanging amihan. Malalim ang pagkatao ngunit mababaw ang luha sa hapdi ng buhay. Di alintana ang pagngawa sa tag-araw sapagkat ang anino ay binabalot ng hiwaga. Muling bumabangon sa lason ng pagkakaidlip. Tinanaw ang nakakabulag na sikat ng araw. Lumingon sa likuran, may anyong namasdan na katulad rin ng imahe sa tuwing umuulan. Dalawang kulay na nagaagawan sa espasyo. Ano ang dalwang kulay ng aNiNo?


Theme & Icons by N.Design Studio.
Entries RSS Comments RSS Log in